M4.2 na lindol tumama sa Antique

By Justinne Punsalang October 11, 2018 - 02:50 AM SHARE(S):

(UPDATED AS OF 4:28AM) Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Barbaza sa Antique, madaling araw ng Huwebes.

Batay sa impormasyon mula sa PHIVOLCS, naganap ang lindol kaninalang alas-2:34 ng madaling araw.

Sa unang impormasyon na inilabas ng ahensya, magnitude 3.9 lamang ang unang naitala. Ngunit makalipas ang mahigit isang oras ay naglabas ng update ang PHIVOLCS.

Naitala ang episentro ng pagyanig sa 10 kilometro hilagang-kanluran ng nabanggit na bayan.

May lalim itong 3 kilometro at tectonic ang origin.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang idudulot na pinsala o aftershocks ang lindol.

Ngunit naitala naman ang Intensity IV sa mga bayan ng Barbaza, Sibalom, at Tibiao. Instrumental Intensity II naman ang naitala sa San Jose de Buenavista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.