1 patay, 3 sugatan sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Bacoor City

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2018 - 10:31 AM SHARE(S):
Police banner

Dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril ang magkasunod na naganap sa Bacoor City, ngayong Miyerkules (Oct. 10) ng umaga kung saan isa ang naitalang patay habang tatlo ang sugatan kabilang ang isang pulis.

Alas sais ng umaga, sisilbihan ng seach warrant ng PO1 Stanley Gawin ng Police District Enforcement Unit ng Bacoor Police ang drug suspek na si Ronald Cuevo Samson, 54 anyos.

Nang dumating ang arresting team sa bahay ni Samson sa Phase 2 Meadowood Subdivision, Brgy. Panapaan 8, Bacoor City ay kinuha nito ang kaniyang baril at pinaputukan ang mga pulis.

Tinamaan ng bala ng baril si Gawon, pero nabaril din agad ng mga otoridad ang suspek.

Kapwa isinugod sa ospital ang pulis at ang suspek kung saan sila ginagamot.

Samantala, alas 8:21 naman ng umaga, dalawang lalaki ang tinambangan sa harapan ng Molino Elementary School sa Barangay Molino 3, Bacoor City.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Emiliano Ilas at Arnolito Ilas.

Isa lamang sa dalawang suspek ang kinilala sa alyas na “Eyoc”.

Sa inisyal na imbestigasyon sakay ng Toyota Fortuner ang mga biktima patungo sa direksyon ng Dasmariñas City at pagsapit sa harap ng eskwelahan ay biglang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo at saka sila pinagbabaril.

Naisugod pa sa South East Asian Medical Center ang mga biktima pero si Emiliano Ilas ay idineklarang dead on arrival.

TAGS: ambush, bacoor city, Molino 3, Panapaan 8, ambush, bacoor city, Molino 3, Panapaan 8

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.