Bagong BF ipinakilala sa publiko ni Andi Eigenmann

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2018 - 09:37 AM SHARE(S):

Usap-usapan ngayon ang post sa Instagram ni Andi Eigenmann kasama ang isang matipunong lalaki.

Sa nasabing post na mayroong caption n a”Grateful for you because konti na lang may abs na rin ako”, makikita si Andi kasama ang lalaking may IG account name na “Chepoxz”.

Ang naturang lalaki ay si Philmar Alipayo na batay sa kaniyang IG ay isang atleta at professional surfer.

Four days ago, may post din sa Instagram niya si Alipayo kasama si Andi kung saan nakasulat ang caption na “had a good session with my love-love”

Mukhang mahigit isang buwan na ang relasyon ng dalawa dahil may post din si Alipayo noong August 31 kayakap si Andi sa Siargao at noong July 4 mayroon siyang larawan na sinabi niyang si Andi ang kumuha.

TAGS: andi eigenmann, Philmar Alipayo, andi eigenmann, Philmar Alipayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.