Dalawang bahay nasunog sa Argao, Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2018 - 09:25 AM

Dalawang bahay ang tinupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Argao, Cebu.

Naganap ang sunog Miyerkules (Oct. 10) ng umaga sa Barangay Canbanua.

Ayon sa mga tauhan ng Argao Fire Station, sa bahay ng dating barangay captain na si Eddie Daug-daug nagsimula ang sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

TAGS: argao cebu, fire incident, argao cebu, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.