P2P buses mula Cavite to Makati may handog sa mga pasahero ngayong 10th anniversary nila

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2018 - 08:24 AM

DOTr Photo

May handog sa mga pasahero ang P2P buses na biyaheng Cavite to Makati at pabalik ngayong ika-sampung anibersaryo nila.

Kasabay ng pagdiriwang ng 10th anniversary ng Metro Express ngayong araw, Oct. 10, 2018 ay P10 lang ang singil sa pasahe mula Cavite hanggang sa Makati City at pabalik.

Epektibo ito sa biyahe ng Metro Express mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 10:59 ng umaga.

Kung lagpas na sa nasabing oras, balik sa normal na halaga ng pamasahe ang singil ng Metro Express.

P150 ang pamasahe sa naturang P2P bus mula Dasmariñas City to Makati City at vice versa.

Habang P110 naman kapag galing Bacoor City patungo ng Makati City at pabalik.

TAGS: cavite, dotr, Makati, Metro Express, p2p, cavite, dotr, Makati, Metro Express, p2p

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.