WATCH: Barangay captain patay sa pamamaril sa dance contest sa Cavite; 3 iba pa ang nasugatan

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2018 - 08:13 AM

FB Photo

Patay ang isang kapitan ng barangay matapos pagbabarilin sa kasagsagan ng dance contest sa Silang, Cavite.

Naganap ang pananambang alas 10:00 ng gabi ng Martes, Oct. 9 sa covered court ng Barangay Yakal.

Sa spot report ng Cavite police, nasawi si Naldie Secretario na kasalukuyang kapitan sa naturang barangay.

Dalawang hindi nakilalang suspek ang bumaril sa kapitan na agad tumakas sakay ng motorsiklo.

Isinugod pa sa Asia Medic Hospital si Secretario pero idineklara ding dead on arrival.

Tatlo naman ang nasugatan matapos tamaan ng ligaw na bala.

Sa kuha ng netizen na si Iazeah Boco Ojano na inupload sa Facebook, nadinig ang magkakasunod na putok ng baril.

Kasabay nito ay natakbuhan ang mga taong nanonood ng dance contest.

TAGS: ambush incident, barangay captain, cavite, Silang, yakal, ambush incident, barangay captain, cavite, Silang, yakal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.