Bus binangga ang isang ambulansya sa EDSA-QC; isa pang sasakyan nadamay

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2018 - 06:31 AM

Tatlong sasakyan ang nagkarambola sa bahagi ng EDSA-Cubao Northbound sa Quezon City.

Sangkot sa aksidente ang isang pampasaherong bus, isang ambulansya at isang taxi.

Naganap ang aksidente bago sumapit sa Mega Q-Mart sa EDSA.

Sa inisiyal na imbestigasyon, binangga ng Carl Christian Bus na biyaheng UE Letre ang likurang bahagi ng ambulansya na mayroon pa namang sakay na pasyente.

Ligtas naman ang pasyente pero dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga ay nakarating ito sa bungad na bahagi ng sasakyan.

Basag naman ang windshield ng bus, habang nadamay din ang tagiliran ng John Michael Transport Taxi.

Naganap ang aksidente bago mag-alas 5:00 ng umaga na nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa lugar.

TAGS: accident, ambulance, bus, metro, accident, ambulance, bus, metro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.