Excise tax sa mga produktong petrolyo pinag-iisipang suspendihin ni Pangulong Duterte

By Justinne Punsalang October 10, 2018 - 01:24 AM

Ikinukunsidera na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuspinde sa pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo.

Sa isang panayam matapos ang oath-taking ng mga bagong halal na opisyal ng Malacañan Press Corps, sinabi ng pangulo na pinag-aaralan na ang naturang panukala ni Finance Secretary Carlos Dominguez.

Nakasaad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na maaaring ipatigil ang pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo kung lalagpas sa USD80 ang presyo ng kada barrel sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan.

Marami nang mga humimok sa pamahalaan na suspendihin ang implementasyon ng excise tax, kabilang si Vice President Leni Robredo.

Ayon dito, malaki ang epekto ng ipinapataw na excise tax sa paglobo ng inflation rate sa bansa o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.