17 drug suspek arestado sa Bulacan

By Justinne Punsalang October 10, 2018 - 03:41 AM

Nakakulong na ang 17 katao matapos maaresto ng mga otoridad dahil sa salang may kinalaman sa iligal na droga sa Barangay Minuyan 3, San Jose del Monte City, Bulacan.

Ayon sa mga otoridad, nagkasa sila ng drug operation laban sa pangunahing suspek na si Edwin Avellanoza kung saan nakabili ang mga otoridad ng isang pirasong sachet ng shabu.

Matapos ito ay agad na inaresto si Avellanoza at kanyang kinakasamang si Rosalyn Pioroda.

Sumunod namang inaresto ang 15 iba pa dahil naaktuhan ng mga pulis na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Narekober mula sa mga suspek ang 22 sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga drug suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.