3 holdupper nakipagbarilan sa mga pulis-QC, patay!

By Justinne Punsalang October 10, 2018 - 04:08 AM

Contributed photo

Dead on the spot ang tatlong holdupeper matapos manlaban sa mga pulis sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek na nakasuot ng bonnet.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director, Police Chief Superintendent Joselito Esquivel, dumulog sa mga otoridad ang isang taxi driver matapos umanong mabiktima ng pagnanakaw ng mga salarin.

Sinasabing sa pagbaba ng isa sa kanyang mga pasahero ay doon dumating ang apat na mga suspek at nagdeklara ng holdup. Matapos nito ay tumakas ang mga salarin.

Agad na tinugis ng mga pulis na rumoronda sa lugar ang mga kawatan.

Ngunit nang makita ang mga otoridad, imbes na sumuko ay bumunot ng baril ang mga holdupper at nagpaputok.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ng mga holdupper.

Samantala, nakatakas naman ang ikaapat na suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.