Chesca at Doug Kramer muling ikinasal sa kanilang 10th anniversary

By Justinne Punsalang October 10, 2018 - 12:34 AM SHARE(S):
Doug Kramer

Kapwa sinorpresa nina Chesca at Doug Kramer ang isa’t isa para sa kanilang ika-10 anibersaryo bilang mag-asawa.

Sa pamamagitan ng Facebook Live video ng Team Kramer ay ibinahagi ni Doug at Chesca ang kanilang sorpresa para sa isa’t isa.

Kwento ni Doug, taun-taon ay sinosorpresa niya si Chesca at para sa kanilang 10th anniversary ay dapat bibigyan niya ng singsing ang asawa upang isimbolo ang kanilang pagsasama.

Ngunit laking gulat niya nang malaman na mayroong sariling suprise si Chesca para sa kanya, at ito ang renewal of vows.

Kwento ni Doug sa kanyang recent Instagram post, orihinal na pinlano na magkakaroon sila ng renewal of vows sa Boracay ngunit dahil ipinasara ito para sa rehabilitasyon ay naghanap sila ng ibang lugar tulad ng Tagaytay at Baguio ngunit hindi aniya nag-work ang kanilang plano. Kaya naman nagdesisyon ang mag-asawa na sa susunod na taon na lamang sila muling magpapakasal.

At nang malaman na mayroong surprise renewal of vows na inihanda si Chesca ay hindi napigilan ng basketbolista na maiyak sa tuwa.

Matapos ang seremonya ay nagkaroon naman sila ng magarbong dinner kasama ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.