UP at NU, may rematch sa UAAP men’s badminton finals

By Rod Lagusad October 09, 2018 - 04:35 AM SHARE(S):

Magkakaroon ng rematch University of the Philippines (UP) kontra sa four-time champion National University (NU) sa finals ng UAAP Season 81 men’s badminton.

Ito ay matapos manalo ng UP kontra Ateneo De Manila University (ADMU) sa score na 3-2.

Naipanalo nina JM Bernardo at Vinci Manuel ang kanilang laban kina Fides Bagasbas at Sean Chan sa second doubles sa score na 21-15 at 21-15 na panalo.

Nanalo din si Bernardo kontra kay Bagasbas sa first singles sa score na 24-22 at 21-4.

Nagawa din ni Kyle Legaspi na matalo si Carlo Remo sa score na 21-12, 9-21 at 21-17 sa singles para ma-clinch ang tie pabor sa UP.

Maghaharap ang UP at NU sa Miyerkules na gaganapin sa Rizal Memorial Badminton Hall.

TAGS: badminton, NU, UAAP, up, badminton, NU, UAAP, up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.