Milan Melindo bigong magkamit muli ng world title

By Rhommel Balasbas October 08, 2018 - 08:28 AM SHARE(S):
AP Photo/Toru Takahashi

Bigo ang Filipino boxer na si Milan ‘El Metodico’ Melindo na magkamit muli ng world title.

Ito ay matapos siyang matalo via technical knockout kay Ken Shiro ng Japan sa kanilang World Boxing Council light-flyweight fight kahapon sa Yokohama.

Nagtamo ng isang ‘deep cut’ si Melindo sa kanyang kaliwang mata na naging dahilan para ihinto ng ring doctor anglaban sa ikapitong round.

Bagaman hindi napabagsak ay naniniwala ang doctor na hindi kaya pang ipagpatuloy ng boxer ang laban kaya’t ibinigayang panalo kay Shiro.

Nananatiling walang talo si Shiro na may 14 wins, eight knockout habang si Melindo na dating IBF world light flyweightchampion ay nagtamo na ng kanyang ikaapat na talo na mayroong 37 wins 1t 13 knockouts.

TAGS: bigong magkamit muli ng world title, Filipino boxer, Japan, Ken Shiro ng Japan, Milan “El Metodico" Melindo, Milan Melindo, technical knockout, World Boxing Council light- flyweight fight, Yokohama, bigong magkamit muli ng world title, Filipino boxer, Japan, Ken Shiro ng Japan, Milan “El Metodico" Melindo, Milan Melindo, technical knockout, World Boxing Council light- flyweight fight, Yokohama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.