Winning streak ng Adamson tinapos ng FEU

By Justinne Punsalang October 08, 2018 - 12:35 AM SHARE(S):

Winakasan ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws ang winning streak ng Adamson University Soaring Falcons sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament.

Sa kanilang naging tapatan kagabi na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, nagwagi ang Tamaraws kontra Falcons sa iskor na 88-85.

Dahil dito ay mayroon nang 4-2 win-loss record ang FEU at nananatiling nasa ikatlong pwesto.

Patas naman na ang Adamson at Ateneo de Manila University (AdMU) Blue Eagles na mayroong 5-1 win-loss record.

Ang overtime sa laro ang nagbigay daan para sa pagkapanalo ng FEU matapos ang ilang mga free throws.

Pinangunahan ni Arvin Tolentino ang Tamaraws sa pamamagitan ng kanyang 19 points. Sinundan naman siya ni Hubert Cani na may 14 points at Wendell Comboy na nakapagtala ng 13 points.

Samantala, para sa Adamson, si Jerrick Ahanmisi ang nanguna matapos nitong makapagbigay ng 21 puntos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.