Gunman na pumatay sa isang pari sa Nueva Ecija nahuli na

By Den Macaranas October 06, 2018 - 09:44 AM

Inquirer file photo

Nahuli sa bayan ng Maddela, Quirino ang isa sa mga suspek sa pagbaril at pagpatay kau Father Richmond Nilo sa Zaragosa, Nueva Ecija noong buwan ng Hunyo.

Kinilala ng Quirino Provincial Police Office ang suspek na si Bernie Limpio na residente sa Arayat, Pampanga.

Si Limpio ay nahuli makaraan ang ilang buwan ng manhunt operations ng pinagsanib na pwersa ng Quirino at Nueva Ecija Police.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinasabing natunton ng mga otoridad si Limpio dahil sa pagbebenta nito ng iligal na droga.

Isang tauhan ng PNP ang nagpanggap na buyer ang pinagbentahan ng suspek ng shabu na siyang dahilan para siya ay makorner ng mga operatiba ng PNP.

Inaalam na ng mga otoridad kung sino ang utak sa pagpatay kay Father Nilo.

TAGS: gunman, limpio, maddela, nilo, pari, PNP, quirino, zaragosa nueva ecija, gunman, limpio, maddela, nilo, pari, PNP, quirino, zaragosa nueva ecija

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.