“Mahal” ikinasal na noong Undas

By Jen Cruz-Pastrana November 03, 2015 - 08:35 PM

Mahal-and-Hebrio
Inquirer entertainment

Naging makulay para sa isang maliit na komedyante na si “Mahal” o Noemi Tesorero sa totoong buhay ang pagdiriwang ng All Souls day dahil sa biglaan niyang pagpapa-kasal sa kanyang non- showbiz boyfriend.

Kahapon November 2 ay naganap ang civil wedding nina “Mahal” at Jobbie Hebrio sa Quezon City Hall na dinaluhan ng kanyang ilang malalapit na kaibigan.

Sa isang pribadong farm naman na pagmamahal-ari ng isang konsehal ginanap ang reception ng dalawa.

Kuwento ng ilang naka-saksi sa nasabing pag-iisang dibdib, masayang-masaya daw ang bagong kasal sa bagong yugto ng kanilang buhay.

Ang 40-anyos na si “Mahal” ay may dating boyfriend na ipinakilala sa publiko na si Thyrone Belleza Navarro na nagta-trabaho sa ibang bansa kung saan ipinagmalaki pa nila ang kanilang long distance relationship.

Nagulat na lamang daw ang ex ni “Mahal” na ikinasal na ang komedyante sa isang 25-years-old na waiter na nagtatrabaho sa isang bar sa Quezon City.

Bagaman masama ang loob ay hiling na lamang daw ni Thyrone na sana ay huwag lokohin ng bagong asawa ni “Mahal” ang kanyang ex-girlfriend.

 

TAGS: Mahal, Undas, wedding, Mahal, Undas, wedding

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.