Tricycle driver patay makaraang madaganan ng trak sa Marikina

By Isa Avedaño-Umali October 04, 2018 - 07:32 PM

Patay ang isang tricycle driver makaraang madaganan ng isang truck na may kargang galong-galong mantika, sa SSS Village sa Marikina City, Huwebes ng hapon (October 4).

Ayon kay Fernand Adriano ng Marikina DRRMO, dead on the spot ang tricycle driver na nagtamo ang head injury dahil sa aksidente.

Dinala naman sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang drayber ng truck at isa pang motorcycle rider na kapwa sugatan.

Batay sa report ng mga otoridad, naganap ang aksidente dakong alas-dos ng hapon.

Tumapon naman ang mga mantikang karga ng truck sa kalsada kaya pansamantalang hindi nakadaan ang mga motorista.

Na-clear naman ang lugar pasado alas-singko ng hapon. Nangako naman si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na sasagutin ang gastos sa punerarya ng nasawing biktima.

TAGS: accident, Marikina, teodoro, accident, Marikina, teodoro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.