VIRAL: Bukas-kotse habang nasa traffic sa Cubao, kuha sa video

By Isa Avendaño-Umali September 26, 2018 - 08:44 PM

 

Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita ang isang lalaki na pilit na binubuksan ang pintuan ng mga kotse sa kasagsagan ng mabagal na daloy ng trapiko sa Cubao, Quezon City.

Batay sa impormasyon, ang insidente ay nangyari sa Aurora Boulevard cor. JP Rizal St., patungong Marikina City.

Sa video na ipinost ng Kotse.com sa Facebook, makikita ang lalaki, na nakasuot ng itim na pang-itaas, ay lumapit sa ilang mga sasakyan at nagtangkang buksan ang mga ito.

Sa huling kotse na nilapitan nito, batay sa video, habang pilit na binubuksan ay kinatok pa ng lalaki ang salamin ng sasakyan.

Mabuti na lamang, naka-lock ang pintuan ng mga kotseng pinagtangkaang buksan ng lalaki.

Sa ngayon, ang video ay mayroong mahigit 12,000 shares at mahigit 5,000 comments.

TAGS: Bukas-kotse, Bukas-kotse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.