Higit P734M 6/58 Ultra Lotto Jackpot hindi napanalunan

By Rhommel Balasbas September 26, 2018 - 04:15 AM

Umabot na sa P734,038,438 ang premyo sa Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweeptakes Offices (PCSO) kahapon.

Gayunman, wala pa ring nakasungkit sa naturang jackpot na inaasahan pang lalaki.

Ang winning combination sa draw kagabi ay 50-21-51-19-53-48.

Ang higit P734 milyong jackpot ay ang pinakamalaki na para sa 6/58 nang magsimula ito noong February 2015.

Samantala inaasahang mahihigitan na ng jackpot ng 6/58 ang pinakamalaking jackpot sa kasaysayan ng lotto na P741M sa 6/55.

Matatandaang napanalunan ito ng isang balikbayan mula sa New York noong November 2010.

Samantala, wala ring nakasungkit kahapon sa jackpot ng 6/49 Lotto na may premyong P55,964,344 at 6/42 Lotto na may premyo namang P32,714,804.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.