Suspek sa pamamaslang sa 6 anyos na bata, arestado sa Davao City

By Justinne Punsalang September 25, 2018 - 04:07 AM

Nahuli na ng mga otoridad ang salarin sa pamamaslang sa isang anim na taong batang babae sa Davao City.

Nakilala ang suspek na si Rico Jay Labao na siyang unang nagreport sa mga pulis tungkol sa bangkay ng bata na natagpuan sa masukal na bahagi ng Matina Pangi, Davao City.

Ayon sa Davao City Police, inaresto si Labao dahil sa magulo nitong salaysay, bukod pa sa ilang mga ebidensya na nagtuturo sa suspek.

Partikular na nakuha mula sa suspek ang wire na nakita rin mula sa bangkay ni Christine Angel Laquinario.

Kahapon, araw ng Lunes, isinagawa ang autopsy sa bangkay ng biktima at hinihintay na lamang ang resulta nito upang malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay, maging kung ito ba ay pinagsamantalahan.

Isang linggong nawala ang biktima bago natagpuan ang kanyang walang buhay na katawan noong Sabado.

EXCERPT:

TAGS: Davao City, Murder, Davao City, Murder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.