Miyembro ng MILF patay, 2 iba pa arestado sa ilegal na droga sa Cotabato City

By Dona Dominguez-Cargullo September 24, 2018 - 10:28 AM

Patay ang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at arestado ang dalawang iba pa sa anti drug operations sa Cotabato City.

Ayon kay Chief Insp. Tirso Pascual, hepe ng police station 4 sa Cotabato City, napatay sa engkwentro si Reny Guilal Ukad, 43 anyos at residente ng Datu Piang, Maguindanao.

Ito ay makaraang mauwi sa barilan ang pagdakip sana kay Ukad nang siya ay manlaban sa mga otoridad.

Nakuha mula kay Ukad ang kaniyang MILF ID, dalawang malalaking sachet ng shabu, caliber 48 revolver na may mga bala, cellphone at motorsiklo.

Sa hiwalay na operasyon naman naaresto ng mga pulis ang dalawa pang drug susppek sa isang lodging house sa nasabi ring lungsod.

Dinakip sa buy-bust ang mga suspek na sina Albert Tan, 35 anyos at Munjahid Guiamel, 37 anyos.

Nakuhanan ang dalawa ng apat na sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at marked money.

TAGS: anti-illegal drugs, Cotabato City, milf member, Radyo Inquirer, anti-illegal drugs, Cotabato City, milf member, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.