Ina ni Demi Lovato ibinahagi ang naramdamang takot nang malamang nadrug overdose ang anak

By Justinne Punsalang September 24, 2018 - 12:48 AM

Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang ina ni Demi Lovato na si Diana De La Garza tungkol sa nangyaring drug overdose sa anak noong Hulyo.

Sa isang panayam, sinabi ni DeLa Garza na na nalaman niya ang tungkol sa nangyari sa anak sa pamamagitan ng isang tawag mula sa assistant ni Demi.

Ani De La Garza, laking gulat niya nang malaman ang balita at ito ay isang bagay na hindi niya inaasahang maririnig bilang isang ina.

Kwento nito, pagdating sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles kung saan naka-confine ay singer ay nakita niya kung gaano kalala ang lagay ng anak.

Bagaman gising si Demi ay hindi naman ito nagsasalita. Ang tanging sinabi lamang aniya nito ay “I love you, too.”

Ayon sa ina ng singer, isa sa kanyang mga ikinatakot ay kung makakayanan ba ng kanyang anak ang pinagdaraanan, ngunit nanalig na lamang siya at naniwawalang malalampasan rin ito ng anak.

August 4 nang makalabas sa ospital si Demi ngunit patuloy ang kanyang pagpapagamot.

Ayon kay De La Garza, maayos na ang lagay ng anak at masaya ito sa ngayon.

Patuloy aniya itong nakikipaglaban sa kanyang addiction at ginagawa ang lahat upang manatailing sober.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.