VIRAL: Boomboom ng Momoland tinugtog sa libing sa Pampanga

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2018 - 11:46 AM

Sa halip na mabagal at malungkot na mga awitin, kakaiba ang iniaalok na serbisyo ng isang funeral service sa Masantol, Pampanga.

Sa funeral march kasi, masasayang awitin ang pinapatugtog nila dahilan para ang mga nakikipaglibing, mapasayaw habang naglalakad.

Sa Facebook post ng isang Jry Usi Perez, makikita ang mga nakikipaglibing na sumasayaw at kumakanta sa saliw ng sikat na awitin ng Momoland na “Boomboom”.

Nakasulat sa caption ng video na “Ba’t nga naman kailangan malungkot, eh kung pwedi naman maging masaya”

Umabot na sa halos 700,000 ang views ng video at 13,000 na shares.

Sa isa pang post ni Perez, makikita rin ang video ng isa pang libing na ang tugtog ay Totoy Bibo.

TAGS: Boom Boom, Masantol, Momoland, Pampanga, Radyo Inquirer, SM Funeral, Boom Boom, Masantol, Momoland, Pampanga, Radyo Inquirer, SM Funeral

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.