Peter Lim nasa Pilipinas pa ayon sa DOJ

By Den Macaranas September 19, 2018 - 05:02 PM

Nananatili sa loob ng bansa ang suspected drug lord na si Peter Lim.

Ipinaliwanag ni Justice Sec. Menardo Guevarra na walang record na magpapatunay na nakalabas na sa bansa ang nasabing drug lord batay sa kanilang ginawang pananaliksik.

Ang tanging record ni Lim sa Bureau of Immigration ay nagsasabing umalis ito sa Pilipinas noong nakaraang buwan ng Marso pero kaagad ring nakabalik sa bansa makalipas lamang ang apat na araw.

Si Lim ay naunang pinangalanan ng isa pang drug personality na si Kerwin Espinosa na nagsabing katuwang niya ito sa pagbebenta ng iligal na droga.

Magugunitang si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nagsabi na kasama sa kanyang drug list si Lim.

Kamakailan ay naglabas ng pabuya ang pamahalaan na P500,000 para sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng nasabing drug personality.

TAGS: bureau of immigration, drugs, morente, Peter Lim, bureau of immigration, drugs, morente, Peter Lim

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.