PAL magpapatupad ng mas maagang closure time sa check-in counters mula Oct. 28

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2018 - 08:57 AM

Inabisuhan na ng Philippine Airlines ang mga pasahero sa pagpapatupad ng mas maagang closure time para sa check-in counters nila para sa international flights simula October 28.

Ayon sa PAL, simula sa nasabing petsa, isang oras bago ang departure time ay magsasara na ang check-in counters para sa international flights, mas maaga ng 15 minuto kumpara sa umiiral ngayon na 45-minutes.

Ipatutupad ng PAL ang bagong closure time sa lahat ng paliparan sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa maliban lamang sa mga flights na patungong Quanzhou (Jinjiang).

Para sa flights na papuntang Quanzhou (Jinjiang) ay iiral pa rin ang 45 minutes before departure time.

Samantala ayon sa PAL, bago pa ang pagpapatupad ng bagong closure time ng kanilang departure counter sa Oct. 28 ay umiiral na ito sa kanilang international stations sa Bangkok, Dammam, Doha, Dubai, Kuala Lumpur, London, JFK (New York), Riyadh, Shanghai (Pudong), Toronto at Vancouver.

Pinayuhan ng PAL ang mga pasahero na agahan ang pagdating sa mga paliparan para makatapos ng check-in bago pa magsara ang counter.

Para naman sa mga domestic flight, mananatili ang 45 minutes before departure na polisiya ng PAL.

 

TAGS: PAL, philippine airlines, Radyo Inquirer, PAL, philippine airlines, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.