3 bata hinahanap pa rin sa Tullahan River

By Justinne Punsalang September 17, 2018 - 04:42 AM SHARE(S):
Contributed photo

Patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang tatlong nawawalang mga bata matapos mahulog sa Tullahan River sa Valenzuela City.

Nakilala ang mga nawawalang menor de edad na sina Rheniel, 13 taong gulang, kanyang kapatid na si Kerby, 10 taong gulang, at Jillian, 10 taong gulang.

Nabatid na naglalaro lamang ng putik sa tabi ng Tullahan River ang mga bata nang mahulog ang mga ito sa ilog.

Ayon sa mga otoridad, nahihirapan silang maghanap dahil sa laki ng alon at bilis ng agos ng ilog.

Nahihirapan din anila ang mga divers na sumisid dahil sa dilim sa ilalim ng tubig at hindi kayang makakita kahit na gamit nila ang kanilang diving flashlight.

Umaasa naman aniya sila na buhay ang mga bata, kaya naman magpapatuloy sa paghahanap ang apat na mga rubber boats at sa pagsikat ng araw ay muling susubukang sumisid ng kanilang mga divers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.