Gilas Pilipinas hindi minamaliit ang koponan ng Qatar

By Justinne Punsalang September 17, 2018 - 12:39 AM SHARE(S):

Hindi nagpapakakumpyansa ang Gilas Pilipinas sa kanilang magiging laban mamayang gabi ng Qatar para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kina Alex Cabagno at Matthew Wright, bagaman hindi kasama ng Qatar ang kanilang mga key players ay hindi ito dahilan upang mag-underperform ang koponan.

Ayon kay Cabagnot, lahat ng kanilang makakalaban ay kanilng inirerespeto.

Dagdag pa ni Wright, ang focus nila sa ngayon ay kung sino ang kanilang makakalaban at hindi kung sino ang wala. At sapat na ito upang sila ay hindi magkaroon ng mababang intensity sa laro.

Ayon kay Cabagnot, maraming magagaling na manlalaro ang Qatar at hindi lamang nakadepende ang koponan sa apat nilang manlalaro na hindi makakasama sa tapatan dahil sa injury.

Magaganap ang laro sa pagitan ng dalawang koponan mamayang gabi sa isang close game sa Smart Araneta Coliseum.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.