Matapos matalo sa Iran, biyahe ng Basketball team pauwi ng Pilipinas 12-oras na naantala dahil sa TY Ompong

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2018 - 06:14 PM SHARE(S):
Inquirer Photo

Matapos ang pagkatalo sa Iran, delayed naman ng 12-oras ang flight ng basketball team pauwi ng Pilipinas.

Nabinbin ng ilang oras sa Dubai International Airport ang mga manlalaro ng Pilipinas dahil hindi nakaalis sa tamang oras ang connecting flight nila galing sa Tehran, Iran.

Alas 8:30 ng gabi sana ang dating ng team sa Pilipinas.

Pero dahil sa delay, Sabado na ng umaga ang dating nila sa bansa.

Sa sandaling makauwi na ay kinakailangan pa nilang paghandaan ang laban nila sa Qatar na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

 

TAGS: Basketball Team, dubai, Gilas Pilipinas, Basketball Team, dubai, Gilas Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.