UP champion ng PVL Collegiate Conference; MVP award inuwi rin ng UP

By Justinne Punsalang September 13, 2018 - 12:05 AM SHARE(S):

Tatlumput anim na taon mula nang huling makuha ng University of the Philippines (UP) Lady Maroons ang titulo para sa UAAP 1982 ay naiuwi naman ngayong taon ng koponan ang kampeonato para sa Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference Finals.

Tilano ng UP ang Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws sa iskor na 25-20, 25-18, 23-25, 20-25, at 15-13 sa kanilang ikalawa at huling tapatan kagabi.

Ayon sa head coach ng koponan na si Godfrey Okumu, sinabihan niya ang mga manlalaro na i-enjoy lamang ang laro at huwag magpadala sa pressure.

Samantala, mula rin sa Lady Maroons ang MVP awardee sa katauhan ni Isa Molde.

Nasa ikalawang puwesto sa torneo ang Lady Tamaraws, ikatlo ang Adamson University Lady Falcons, at ikaapat naman ang University of Santo Tomas Tigresses.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.