6 arestado sa kalagitaan ng pot session sa Caloocan City

By Justinne Punsalang September 13, 2018 - 04:05 AM SHARE(S):

Naaktuhan ng mga otoridad ang anim katao, kabilang ang isang babae, sa kalagitnaan ng pot session sa loob ng isang subdivision sa Barangay 179, Caloocan City.

Nakilala ang mga arestadong drug users na sina Aljon Orbeta, Norman Sanchez, Mark Angelo Armateo, Jeffrey Alvano, Reymart Danao, at Judelyn Delos Santos.

Ayon sa mga otoridad, nag-iikot ang mga elemento ng Caloocan City Police – PCP 4 nang lumapit sa kanila ang isang concerned citizen upang ireport ang tungkol sa nagaganap umanong pot session sa isang bahay sa lugar.

Nang salakayin ng mga otoridad ay nakita ang mga ito na humihithit ng hinihinalang shabu.

Narekober mula sa mga drug suspek ang tatlong piraso ng plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.