Dela Rosa, Faeldon at Philip Salvador nanumpa bilang kasapi ng PDP-Laban

By Den Macaranas September 12, 2018 - 08:43 PM SHARE(S):
Photo: Jan Escosio

Magkakasabay na dumating sa gusali ng Senado Sina Bureau of Corrections Director Ronald “Bato” Dela Rosa, dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at ang aktor na si Philip Salvador.

Silang tatlo ay nanumpa bilang mga bagong miyembro ng PDP-Laban sa pangulo ng Partido na si Sen. Koko Pimentel.

Aminado ang dating pinuno ng Philippine National Police na si Dela Rosa na interesado siyang tumakbo sa 2019 elections bilang senador.

Mas gusto naman ni Faeldon na tumulong sa kampanya para sa Federalism samantalang posible namang tumakbo bilang kongresista si Philip Salvador.

Kilalang mga taga-suporta ng pangulo sina Dela Rosa, Faeldon at Salvador kung saan ay kanilang sinabi na mananatili sila sa likod ng pangulo anuman ang kahinatnan ng kanilang pagsali sa pulitika.

TAGS: dela rosa, Faeldon, PDP Laban, Pimentel, salvador, dela rosa, Faeldon, PDP Laban, Pimentel, salvador

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.