Administrasyong Duterte inakusahang nasa likod ng pagpapabagsak sa sariling gobyerno

By Erwin Aguilon September 12, 2018 - 12:32 PM

Presidential Photo

Naniniwala ang Independent minority sa Kamara na ang administrasyon Duterte ang mismong nagsasagawa ng destabilisasyon sa kanilang sarili.

Ayon sa Magnificent 7 sa Kamara, hindi nagtutugma ang pahayag ni Pangulong Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay sa sinasabing planong pagpapatalsik sa kanya.

Halata ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman na kulang sa konsultasyon ang mga miyembro ng executive branch kaya magkakaiba ang pahayag ng mga ito sa publiko.

Sa pahayag ng pangulo sinabi nito na nagsanib puwersa na ang Liberal Party, Trillanes Group at mga komunista upang siya sa pabagsakin sa buwan ng Oktubre.

Sinalungat naman ito nina Lorenzana at PNP Chief Oscar Albayalde sa pagsasabing hindi nila ito makumpirma.

TAGS: Duterte administration, magnificent 7, Duterte administration, magnificent 7

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.