4 arestado, P1M halaga ng iligal na droga nasabat sa Cebu City

By Rose Cabrales September 12, 2018 - 09:02 AM SHARE(S):

Arestado ang 4 na miyembro ng isang pamilya sa ikinasang buy bust operation sa Sitio Alaska, Barangay Mambaling, Cebu City bandang 6:00 ng gabi ng Martes (September 11).

Ayon sa Hepe ng Mambaling Police Station na si Chief Inspector Randy Caballes, target ng operasyon ang 25 taong gulang na single mother.

Kasama sa mga naaresto ang nanay nito, live-in partner ng kanyang ina at 17 taong gulang na kapatid.

Isinailalim sa isang buwang monitoring ang 25 taong gulang na subject ng operasyon pero ayon sa otoridad kalaunan ay inamin din ng suspek ang kanyang kapatid ang drug pusher.

Nakumpiska sa mga drug suspects ang 90 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng isang milyon piso.

TAGS: anti-illegal drugs, Cebu City, Radyo Inquirer, War on drugs, anti-illegal drugs, Cebu City, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.