2 drug suspects patay sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2018 - 06:25 AM SHARE(S):

Patay ang dalawang drug suspects makaraang manlaban sa mga pulis na nagkasa ng buy-bust operation sa Tondo, Maynila.

Ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Raxabago Police Community Precinct ang operasyon laban sa dalawang lalaking suspek sa bahagi ng Baseco Street.

Nang magkabentahan na ng ilegal na droga ay nakatunog umano ang dalawa na pulis pala ang kanilang katransaksyon kaya pinaputukan nila ito.

Doon na gumanti ng putok ang mga otoridad na ikinasawi ng mga suspek.

Dinala pa sa Tondo Medical Center ang dalawa pero idineklara ding dead on arrival.

Nakuha sa kanila ang dalawang 38 caliber revolver at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

TAGS: anti-illegal drugs, manila, Radyo Inquirer, Tondo, War on drugs, anti-illegal drugs, manila, Radyo Inquirer, Tondo, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.