Maine Mendoza posibleng mapanood sa ‘Ang Probinsyano’

By Rhommel Balasbas September 12, 2018 - 03:42 AM SHARE(S):

Bukas si Maine Mendoza na mas kilala bilang si ‘Yaya Dub’ na sumabak sa top rating serye ng ABS-CBN na ‘Ang Probinsyano’.

Ito ay bilang bahagi ng promotion ng pelikulang “Jak Em Popoy: The PulisCredibles” na kanyang pinagbibidahan kasama sina Kapamilya Primetime King Coco Martin at Vic Sotto.

Sa panayam ng press para sa pictorial ng naturang pelikula, sinabi ni Maine na siya ay bukas na mapanood sa teleserye.

Sinabi ito ng aktres matapos sabihin ni Coco na posible rin siyang mag-guest sa Eat Bulaga, para mag-promote.

Sinabi ng aktor na siya ay natutuwa sa ginawang pagtanggap sa kanya ng Eat Bulaga family.

Bagaman anya magkaiba ng networks, iginiit ni Coco na dapat nagtutulungan ang mga taga-showbiz industry sa paggawa ng magandang pelikula, tulad ng pagsabak ng mga aktor ng GMA sa mga pelikula ng Star Cinema.

Isa ang pelikula nina Coco, Vic at Maine sa mga official entries ng Metro Manila Film Festival ngayong taon na mapapanood sa December 25.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.