Bagyo sa labas ng bansa, isa nang super typhoon ayon sa JTWC

By Len Montaño September 12, 2018 - 12:46 AM SHARE(S):

Isa ng super typhoon ang Typhoon Mangkhut habang papalapit ito sa Pilipinas.

Ayon sa Hawaii-based Joint Typhoon Warning Center (JTWC), nasa super typhoon na ang clasiffication ng Mangkhut.

Tatawagin itong Bagyong ‘Ompong’ pagpasok sa Philippine Area of Responsibility araw ng Miyerkules.

Ayon sa JTWC, taglay ng Supertyphoon Mangkhut ang hangin na 250 kilometers per hour at bugsong 306 kilometers per hour.

Pero sa classification ng PAGASA, nasa Typhoon Category pa rin ang Mangkhut hanggang Martes ng hapon.

Ayon sa PAGASA, mararamdaman ng buong Luzon ang epekto ng bagyo simula sa Huwebes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.