Sen. Trillanes, hindi aarestuhin ng walang warrant ayon kay Sec. Lorenzana

By Len Montaño September 12, 2018 - 12:34 AM SHARE(S):

Tiniyak ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi aarestuhin ng militar ni Sen. Antonio Trillanes IV ng walang warrant.

Pahayag ito ni Lorenzana matapos ibasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Trillanes para sa temporary restraining order (TRO) laban sa amnesty proclamation ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lorenzana, sinabi na ng pangulo na walang pag-aresto sa senador ng walang warrant kaya walang gagawin sa ngayon ang militar.

Sa desisyon ng Supreme Court, kinunsidera ang deklarasyon ni Duterte na hindi aarestuhin si Trillanes ng walang warrant.

Una na ring sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi sila kikilos kapag walang utos ang korte.

Hiniling ng Department of Justice sa Makati Regional Trial Court na maglabas ng arrest warrant at hold departure order laban kay Trillanes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.