Pagsasampa ng kaso laban sa 3 pulis na dawit sa ambush sa isang prosekutor, ikinalugod ng QCPD

By Isa Avedaño-Umali September 12, 2018 - 12:20 AM SHARE(S):

Ikinalugod ng Quezon City Police District o QCPD ang pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigation o NBI laban sa tatlong pulis-QC na isinasangkot sa pagpatay kay Quezon City Chief Inquest Prosecutor, Rogelio Velasco.

Ayon sa QCPD, maituturing nang “closed and solved” ang kaso.

Matatandaan na tinambangan si Velasco sa Don Antonio St, Barangay Holy Spirit sa Quezon City noong May 11, 2018.

Kasama noon ni Velasco ang kanyang anak na babae nang harangin at pagbabarilin ang kanilang sasakayan ng mga suspek na sakay ng Toyota Innova white na may plate number NXR-256.

Isa sa mga dawit na pulis ay nakatalaga sa Batasan Police Station 6 at kinilalang si PO3 Arthur Lucy.

Matatandaan na binuo at pinakilos noon ng QCPD ang Special Investigation Task Group o SITG para imbestigahan ang pagpatay sa piskal.

Kinumpirma naman ng QCPD na patuloy silang nagbibigay ng security sa pamilya ni Velasco, mula nang maganap ang ambush.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.