Team Pilipinas lumipad papuntang Iran para sa FIBA Asian Qualifiers

By Justinne Punsalang September 11, 2018 - 12:06 AM SHARE(S):

Lumipad kagabi patungong Tehran, Iran ang koponan ng Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Makakatapat ng National team ang Iran gabi ng Huwebes, September 13 sa Azady Gym.

Ayon sa head coach ng National team na si Yeng Guiao, hindi pa niya naisasapinal ang 12 miyembro ng koponan na lalaban sa pambato ng Iran.

Pangungunahan ng dating NBA center na si Hamed Haddadi ang koponan ng Iran.

Kabilang sa mga bumubuo ng koponan ang walong lumaban para sa katatapos lamang na 2018 Asian Games na sina Raymond Almazan, Beau Belga, JP Erram, Paul Lee, Gabe Norwood, Stanley Pringle, Christian Standhardinger, at Asi Taulava.

Habang ang nalalabing walo naman ay sina Japeth Aguilar, Greg Slaughter, at Scottie Thompson ng Barangay Ginebra; Alex Cabagnot at Marcio Lassiter ng San Miguel Beer; Ian Sanggalan mula sa Magnolia; Matthey Wright ng Phoenix; at Allein Maliksi mula sa Blackwater.

Sunod namang makakalaban ng Pilipinas ang Qatar sa September 17 na magaganap sa Smart Araneta Coliseum dito sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.