Typhoon Mangkhut posibleng pumasok sa PAR sa Miyerkules

By Justinne Punsalang September 10, 2018 - 11:56 PM SHARE(S):

Habang humahagupit sa hilagang bahagi ng Pilipinas ang bagyong Neneng ay patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isa pang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, lalo pang lumakas ang bagyong mayroong international name na Mangkhut habang ito ay nagpapatuloy sa pagtahak sa direksyong kanluran.

Inaasahang sa araw ng Miyerkules, September 12 papasok ang bagyo sa PAR at papangalanan itong Ompong.

Posibleng umabot sa 210km bawat oras ang dala nitong hangin at pagbugsong aabot naman sa 260km bawat oras.

Babayuhin rin ng naturang sama ng panahon ang Northern Luzon at Cordillera Administrative Region (CAR).

Kung magpapatuloy ito sa kasalukuyang direksyon at bilis nito ay aabutin ng hanggang Sabado, September 15 ang pananalasa ng bagyong Ompong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.