M4.1 na lindol naramdaman sa Sultan Kudarat

By Justinne Punsalang September 10, 2018 - 10:56 PM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat, Lunes ng gabi.

Sa abisong inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig kaninang alas-10:21 ng gabi.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 26km hilagangkanluran ng Kalamansig.

May lalim itong 614km at tectonic ang pinagmulan nito.

Ayon sa PHIVOLCS, walang anumang pinsalang idinulot ang lindol at wala ring inaasahang anumang aftershocks.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.