‘Beetlejuice The Musical’ tutungtong na sa Broadway sa 2019

By Justinne Punsalang September 10, 2018 - 12:06 AM SHARE(S):

Magbubukas na sa Broadway sa susunod na taon ang musical comedy na ‘Beetlejuice The Musical’ na halaw sa pelikula noong 1988 na mayroong kaparehong pamagat.

Ngunit bago ito tutungtong ng Broadway stage ay magkakaroon muna ito ng world premiere sa susunod na buwan sa Washington DC.

Ang two-time Tony nominee na si Alex Timbers ang magdidirehe ng naturang musical play, kung saan ang mga awitin ay isinulat ni Eddie Perfect at ang kwento ay isinulat naman nina Scott Brown at Anthony King.

Katulad ng pelikulang idinerehe ni Tim Burton, ang ‘Beetlejuice The Musical’ ay tungkol sa kwento ng isang hindi pangkaraniwang dalaga na naninirahan sa isang haunted house.

Gumanap sa naturang pelikula ang mga batikang aktor at aktres na sina Michael Keaton, Winona Ryder, Alec Baldwin, Geena Davis, Catherine O’Hara, at Jeffrey Jones.

Sa October 14 magsisimula ang pagtatanghal ng ‘Beetlejuice The Musical’ sa National Theatre sa Washington DC, habang sa April 2019 naman ang pagbubukas nito sa Winter Garden Theatre sa Broadway.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.