13 arestado sa gitna ng pot session sa Cavite

By Justinne Punsalang September 09, 2018 - 10:08 PM SHARE(S):

Naaktuhan ang 13 katao sa kalagitnaan ng pot session sa loob ng isang subdivision sa Barangay Habay I sa Bacoor, Cavite.

Ayon sa hepe ng Bacoor City Police na si Superintendent Vicente Cabatingan, matagal nang inirereklamo ng barangay ang tungkol sa kahina-hinalang kilos ng mga taong pumupunta sa nasabing lugar.

Nasabat mula sa mga suspek ang ilang mga sachet ng shabu na tinatayang aabot ang street value sa P350,000. Bukod pa ito sa dalawang baril na kapwa kargado ng mga bala.

Ayon pa sa pulisya, ang mag-live-in partner na may-ari ng bahay ay dati nang nakulong dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Dahil dito ay mahaharap ang 13 suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 at Ammunition Regulation Act.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.