Barbero patay sa engkwentro sa mga pulis sa Nueva Ecija

By Justinne Punsalang September 09, 2018 - 03:04 PM SHARE(S):

Dead on the spot ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Abar Uno, San Jose City, Nueva Ecija.

Kinilala ang nasawing suspek na si Jefferson Panganiban, 36 na taong gulang at isang manggugupit.

Batay sa report ng mga pulis, nagsagawa sila ng drug buy bust operation laban kay Panganiban ngunit nakaramdam ito na pulis ang katransaksyon at pinaputukan ang mga ito.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Narekober ng pulisya mula sa suspek ang isang pouch na naglalaman ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu, bukod pa sa isang kargadong baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.