Pang. Duterte, dapat nang sibakin si SolGen Calida – Rep. Alejano

By Chona Yu September 09, 2018 - 12:40 PM SHARE(S):

Dapat nang sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Solicitor General Jose Calida.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Magdalo partylist Cong. Gary Alejano na ito ay dahil sa ipinahamak ni Calida ang pangulo nang irekomendang ipawalang-bisa ang amnestiya na iginawad kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon pa kay Alejano, puro butas-butas ang Presidential Proclamatin 572 na inisyu ni Duterte.

Sinabi pa ng kongresista na inilagay lamang sa alanganin ni Calida ang presidente at gumastos ng political capital.

Bagama’t puro butas ang proklamasyon, aminado si Alejano na talagang tinarget ng gobyerno na patahimikin si Trillanes.

 

TAGS: #TrillanesAmnesty, Antonio Trillanes IV, Magdalo Rep. Gary Alejano, Pangulong Rodrigo Duterte, #TrillanesAmnesty, Antonio Trillanes IV, Magdalo Rep. Gary Alejano, Pangulong Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.