TINGNAN: Pia, Maine at Kelsey, pinatunayang “dreams really do come true”

By Isa AvendaƱo-Umali September 09, 2018 - 08:40 AM SHARE(S):

“From Pia Wurtzbach to Maine Mendoza and now, Kelsey Merritt!”

Yan ang caption ng isang tweet na umaani ngayon ng likes and retweets.

Sa screenshots na ibinahagi ni @GhesWhaaat, pinatunayan na “dreams really do come true.”

Matatandaan na nagtweet noon ni Queen Pia na “Kalma lang guys. Ako bahala. Babawi tayo sa Miss Universe!” noong bigong manalo ni Sen. Manny Pacquiao sa isang boxing match.

Kinalauna’y kinoronahan si Pia bilang Miss Universe 2015.

Sa tweet naman ni Maine a.k.a Yaya Dub na may petsang August 11, 2010, sinabi niyang “One day you’ll see me in TVs.” And the rest is history dahil naging sikat na sikat siya bilang aktres, host at endorser.

At ngayon, pinag-uusapan pa rin ang pagkakapasok ni Kelsey bilang angel ng Victoria’s Secret.

Nauna na pala siyang nagpost ng “Mark this tweet. Makakapag-VS din ako balang araw” na may hashtag #lawofattraction.

 

TAGS: Kelsey Merritt, Maine Mendoza, Pia Wurtzbach, Kelsey Merritt, Maine Mendoza, Pia Wurtzbach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.