Canadian, arestado matapos makuhaan ng 1 kilong marijuana sa Dipolog City

By Rhommel Balasbas September 09, 2018 - 03:23 AM SHARE(S):

Timbog ang isang Canadian sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Purok Parpagayo, Barangay Lower Dicayas, Dipolog City.

Nakilala ang suspek na si Alfred Wayne St. George, 47 anyos.

Ayon kay PDEA Regional Director Laurefel Gabales, nakuhaan ang Canadian ng isang kilo ng pinatuyong mga dahoon ng marijuana, pakete ng marijuana cookies, at isang plastic container ng marijuana hashish.

Samantala, noong Huwebes ng gabi, isang miyembro din ng isang local drug group ang naaresto sa Brgy. Miputak, Dipolog City.

Nakilala ang suspek na si Julito Abordo Rodriguez alyas ‘Bayot’ at nakuhaan ng nasa limang gramo ng hinihinalang shabu.

Ang Canadian at si Rodriguez ay pawang isinailalim sa masusing surveillance ilang buwan bago ang operasyon.

Kasalukuyang nakaditene sa Dipolog City Police Station ang dalawa at nahaharap sa kayong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.