NU wagi kontra UST sa pagbubukas ng UAAP Season 81

By Rhommel Balasbas September 09, 2018 - 01:19 AM SHARE(S):

Tagumpay ang National University sa unang laban nito sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament matapos talunin ang University of Santo Tomas sa iskor na 75-70.

Nagpakitang gilas ang Rookie na si Dave Ildefonso matapos magtala ng 20 points, seven rebounds four assists at isang block.

Lumobo pa ang lamang ng NU sa 17 puntos sa third quarter bago maibaba ng UST sa apat na puntos, 72-68 sa natitirang 1 minute and 36 seconds ng laro.

Nanghihinayang si NU head coach Jamike Jarin dahil sa galing na ipinakita ng kanyang koponan na hindi napanatili sa 4th quarter.

Samantala, ito ang kauna-unahang laban ni coach Aldin Ayo sa Growling Tigers.

Pinangunahan ang UST nina CJ Casino sa kanyang 20 puntos at Steve Akomo na may 12 puntos at 16 rebounds.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.