Mga pasaherong naglayag na patungong probinsiya higit 50,000 na

By Ruel Perez October 30, 2015 - 09:58 AM

pantalan
Inquirer File Photo

Pumalo na sa higit 50 libo ang mga pasahero naitala ng Philippine Coast Guard na bumibiyahe para umuwi ng probinsya bilang paggunita ng mga namayapang mahal sa buhay.

Sa tala ng PCG, umaabot na 52,231 ang mga outbound passengers ang mga naglayag na mga pasahero ayon na rin sa monitoring ng iba’t ibang coast guard districts sa ibat ibang pantalan sa buong bansa.Pinakamarami sa Central Visayas na may naitalang 12,016 na sinundan ng Southern Tagalog na nakapagtala ng 7,205.

Sinundan ito ng Northern Mindanao na pumalo sa 6,809 at ng Western Visayas na may naitala na 6,795.

Sa ngayon wala pa naman naitatalang anumang problema sa mga pantalan dahil na rin sa magandang panahon na umiiral sa bansa.

TAGS: PCG, Undas, PCG, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.