Mayor ng isang bayan sa Cebu patay matapos tambangan sa loob ng munisipyo

By Cebu Daily News, Dona Dominguez-Cargullo September 05, 2018 - 06:44 AM

Inquirer File

UPDATE: Patay matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek ang alkalde ng bayan ng Ronda sa Cebu na si Mayor Mariano Blanco.

Sa ulat ng Cebu Daily News, naganap ang pananambang pasado ala 1:30 ng madaling ng Miyerkules (Sept. 5) sa loob mismo ng tanggapan ng alkalde sa munisipyo.

Ayon kay SPO1 Dionisio Tagupa ng Ronda Police Station, natutulog noon si Blanco nang siya ay pagbabarilin ng mga suspek.

Sa pahayag ng dalawang tanod na nakabantay sa munisipyo, apat na lalaki ang dumating sakay ng puting van, tinutukan sila ng baril at pinadapa.

Makalipas ang ilang Segundo nakarinig na sila ng sunud-sunod na putok mula sa tanggapan ng alkalde at pagkatapos ay mabilis na umalis ang mga suspek.

Nang puntahan ng mga empleyado ang opisina ng 58 anyos na mayor nakita nilang duguan na ito.

Si Blanco ay napasama sa pinangalanang narco-politicians ni Pangulong Duterte at mula noon, nagpabago-bago na siya ng kaniyang routine at minsan ay natutulog sa kaniyang opisina.

Noon lamang Pebrero, nasawi din sa pananambang ang pamangkin ni Blanco na si Ronda Vice Mayor Jonnah John Ungab.

Si Ungab ay nagsilbi bilang legal counsel kay self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.

 

TAGS: ambush, mariano blanco iii, ronda ceub, ambush, mariano blanco iii, ronda ceub

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.